Buhay Call Center. Makikitang sumisilip ang bote ng pulang Sting na gabi-gabi kong tinutungga noon. Aagahan kong pumunta sa Nuvali para makabili ng Sting habang humihithit ng paborito kong Marlboro Black. Maya-maya ay darating na rin ang iba kong mga kasama.

Pagkatapos ng shift na 9pm - 6am e dederecho na kami sa Paseo de Sta. Rosa para sa aming “Breakfast.” Sizzling sisig, lechon kawali, at kung ano-ano pang pulutan at ang panulak e ang paborito naming Red Horse. Uuwi kami ng tanghaling tapat, masakit ang ulo. Matutulog dahil pagsapit ng gabi e mauulit na naman ang routine.

Syempre, na-miss ko lang ulit. Hindi na ako babalik sa pagiging isang Call Center Agent.

Bakit parang ang saya ko diyan? Hindi ko rin alam. Baka may nakita akong kung ano man.

2 years ago on 03/20/12 at 08:37pm
  1. jasperbie reblogged this from jasperbie and added:
    "Hindi na ako babalik sa pagiging isang Call Center Agent." - Sinabi ko pala ‘yun. Pero, bakit ngayon pinag-iispan ko na...
  2. pasumalangkiper said: Maputi ka ba?